UMAPELA | UV Express Operators, itinuloy ang hiling na taas pasahe

Itinuloy na ng grupo ng mga UV express operator ang hiling na taas pasahe.

Sa inihaing petisyon, sinabi ni Codex National President Rosalino Marable, dodoble ang magiging pamasahe sa UV express.

Nabatid na mula sa dating dalawang piso kada kilometro, gusto itong itaas ng codex sa apat na piso kada kilometro.


Sakaling mapagbigyan, ang kasalukuyang P60.00 na biyaheng Antipolo hanggang Makati Central Business District ay magiging P120.00 na.

Kasama sa mga binanggit na dahilan ng codex para sa hiling nilang taas pasahe ay ang cost of corruption at payola.

Ito aniya ang ibinabayad nila sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na umaabot daan-daang libong piso kada taon na dapat ay kasama sa pagkalkula sa operating cost.

Bukod pa aniya ito sa mga karaniwang dahilan tulad ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, excise tax at pagtaas ng presyo ng spare parts at maintenance.

Tiniyak naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na pag-aaralan nilang mabuti ang petisyon ng grupong codex.

Facebook Comments