UMAPELA | VACC, nanawagan kay Pangulong Duterte na ibalik ang parusang bitay

Manila, Philippines – Umapela ang Volunteers Against Crime and Corruption kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na ang parusang Death Penalty o RA 7659 na binuwag noong 2006 sa ilalim ng RA 9346.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni VACC Vice Chairman at Spokesperdon Boy Evangelista na noong 2016 nagpahayag ang pangulong Duterte ng pagsuporta ng Death Penalty na inaprubahan ng Kamara pero nakabinbin sa Senado noong 2017.

Paliwanag ni Evangelista nais nilang ibalik ang parusang kamatayan dahil sa sunod-sunod na nangyayaring karahasan ngayon taon kabilang ang pagpaslang kina Fr. Mark Ventura noong Mayo sa Cagayan, Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco na tinambangan sa QC noong Mayo 11, Regelio Lico kandidato sa pagka Barangay Captain na pinagbabaril sa Brgy. San Isidro Antipolo nitong Mayo 19 at kay Brgy. Chairman Demetrio Deomampo na pinagbabaril sa San Jose Batangas nito lamang lunes Mayo 21.


Giit ni Evangelista lahat ng mga pinaslang ay hindi pa nahuhuli ang mga salarin kaya nais ng grupo na muling ibalik ang parusang bitay upang mapigil ang mga sunod sunod na patayan sa bansa.

Facebook Comments