UMAPELA | White House, nanawagan sa US Supreme Court na ipatigil muna ang recruitment ng transgender sa military service

Habang dinidinig pa ng US Court ang mosyon na isinusulong ni US President Donald Trump kung saan, pinari-review nito ang sa isang lower court ruling na humaharang sa transgender ban sa US military service.

Umaapela ngayon ang White House na pansamantala munang ipatigil ang pagre-recruit ng mga transgender sa US military service.

Anila, malaking sugal sa pagiging epektibo at lakas ng militar kung hahayaang mag silbi sa kanilang hanay ang mga transgender.


Kaugnay nito, muli naman nanawagan ang administrasyon trump sa US Supreme Court na desisyunan na agad ang nakabinbing nitong mosyon.

Sa oras na paburan ng korte ang nais ng Trump Administration, hindi na tatanggap at hindi na papayagan ng Us Government ang mga transgender na makapasok sa US military service.

Facebook Comments