WEATHER UPDATE | Maulang weekend, asahan sa ilang bahagi ng bansa

98

Maulang weekend pa rin ang asahan sa ilang bahagi ng bansa dahil patuloy na nakakaapekto ang northeast monsoon o hanging amihan.

Bukod sa malamig na panahon, asahan rin ang mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan.

Ito ay dahil sa umiiral na tail end of a cold front sa silangang bahagi ng Katimugang Luzon at Kabisayaan.

Samantala, makakaranas naman ng maaliwalas na panahon na may isolated thunderstorms ang natitirang bahagi ng Visayas at buong Mindanao.

Facebook Comments