UMAPILA | LTO, pinaaaksyunan sa COA ang kontrata ng mga sasakyan na walang plaka

Manila, Philippines – Umapila ang pamunuan ng Land Transportation Office at Nakipag ugnayan na rin sa COA na pabilisin ang paglabas ng Resolusyon sa kontrata ng mga sasakyan na walang plaka na nagrehistro bago noong July 2016.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Atty. Mercy Jane Paras na humihingi sila ng konting pasensya sa publiko sa pagkaantala ng mga labas ng mga plaka ng mga sasakyang nakarehistro sa kanilang tanggapan.

Paliwanag ni Atty. Paras, naka-pending ang Resolution Notice of Disallowance kaya ang ginagawa ng LTO ay pinutol muna pansamantala ang backlog para ma-isolate ang naturang mga backlog kung saan umaabot sa mahigit 300 libo bagong sasakyan kada taon ang nakarehistro sa ahensiya at 2.5 milyon dito ay motorcycle na backlog bago ang July 2016.


Giit naman ni dating LTFRB Board Member Atty Ariel Inton na dapat magkaroon ng templates sa mga motorsiklo upang mapaayos ang problema ng motorcycle groups.

Umaasa si Atty. Inton na matutugunan ng gobyerno ang problema ng motorsiklo dahil naniniwala sila na tanging ang paggamit lamang ng motorsiklo ang solusyon sa problema ng trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments