UMARANGKADA NA | 10,000 pasahero, target na maserbisyuhan sa soft-opening ng biyaheng Caloocan-Makati ng PNR

Umarangkada na ang biyaheng Caloocan to Makati ng Philippine National Railways (PNR) ngayong araw.

Nasa 10,000 pasahero ang inaasahang maseserbisyuhan sa muling pagbubukas ng nasabing ruta ng PNR matapos ang halos 20 taon.

Anim na tren ang idineploy na kayang magsakay ng 700 hanggang 800 pasahero.


Alas 5:45 kaninang umaga nang umalis ang first trip mula Caloocan habang alas 5: 15 ang last trip.

Kung mula Dela Rosa, Makati naman, alas 6:28 ng umaga ang first trip at alas 5:58 ang last trip.

Dose pesos ang pamasahe para sa non-aircon na tren at P15 kung air-conditioned.

Tumutigil ito sa mga istasyon ng 10th Avenue, 5th Avenue, Solis, Blumentritt, España, Sta. Mesa at Dela Rosa.

Facebook Comments