LOVETEAM | Jericho Rosales, game na makatrabaho muli si Kristine Hermosa

Manila, Philippines – Bukas ang aktor na si Jericho Rosales na makasama muli sa proyekto ang dating kasintahan at ka-love team na si Kristine Hermosa.

Kasunod ito ng pagbabalik-showbiz ng aktres.

Sabi ni Echo, masaya siya sa pagbabalik-telebisyon ni Kristine at game siya sakaling pagsamahin ulit sila sa isang TV series o pelikula.


Sigurado rin daw siya na nag-e-enjoy si Kristine sa muling pag-arte niya ngayon kahit sinabi na nito noon na ayaw na niyang bumalik sa showbiz para makapag-focus sa kanyang pamilya.

Taong 2010 nang huling gumawa ng TV series si Kristine saka nagdesisyon umalis sa limelight para mag-focus sa pag-aalaga ng kanyang apat na anak sa asawang si Oyo Sotto.

Facebook Comments