Binuksan na ng Bureau of Immigration (BI) sa mga Pinoy ang kabuuang 18 electronic gates o e-gates sa mga international airports sa NAIA, Cebu at Davao.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente 13 sa mga e-gates na ito ay operational na sa NAIA matapos madagdag ang walo sa mga ito sa Terminals 1 at 2.
Nauna nang inilunsad ng BI ang proyekto nito sa pamamagitan ng limang e-gates sa NAIA Terminal 3 tatlong buwan na ang nakararaan.
Nitong nakaraang mga linggo, tatlong e-gates ang naging operational narin sa Mactan Airport sa Cebu at dalawang e-gates sa Davao’s Airport.
Hinikayat naman ni Morente ang mga Pinoy passengers na gamitin ang e-gates paglapag sa mga nabanggit na airport para hindi na pumila sa mga immigration counters para sa mano-manong pagpo-proseso ng mga BI officers.
Dagdag pa ng BI, mas mabilis ang pila sa e-gates na tinatayang kokonsumo lamang ng 8 hanggang 15 segundo kada pasahero.