Manila, Philippines – Umarangkada na ang pakikipagusap sa religious groups ng 3 man committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakipagpulong na kanina sina Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Commissioner Pastor Boy Saycon ng People Power Commission sa PCEC o ang Philippine Council for Evangelical Churches na ginanap sa greenhills sa San Juan City.
Sa naganap na pulong ay sinabi ni Bishop Noel Pantoha ng PCEC na blessing in disguise, ang naging pahayag ng Pangulo hinggil sa Diyos dahil nagbukas ito ng isang oportunidad para makausap o makipag dayalogo kay Pangulong Duterte upang maihayag nila ang kanilang pagsuporta sa pagpapaganda ng bansa at mapaghilom ang sugat ng pangulo mula sa kanyang masamang karanasan.
Umaasa din naman ang dalawang panig na mas magiging maayos at maaliwalas ang sitwasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng religious groups sa lalong madaling panahon.
Wala parin namang inihahayag ang Malacanang kung kailan sisimulan ang pakikipagusap ng 3 man committee sa catholic bishops conference of the Philippines o CBCP.