UMARANGKADA NA | Honesty bus, bumiyahe na sa Maynila

Manila, Philippines – Bumabyahe na sa unang pagkakataon ang tinatawag na honesty bus kung saan katapatan lamang ng pasahero ang iiral dito.

Ang nasabing bus na mula sa kumpaniyang G-Liner, may rutang Quiapo-Lawton-Taytay at wala itong konduktor na maniningil at nakadepende ang pamasaheng ibabayad sa katapatan ng mga pasahero.

Mayroong inilagay na ‘fare box’ sa loob ng bus kung saan ihuhulog ang pamasahe at mayroon ding ‘fare guide’ para malaman ng mga pasahero kung magkano ang kanilang ibabayad.


Kailangan nga lang na eksaktong pamasahe ang ihulog ng mga pasahero dahil walang magsusukli sa mga ito.

Facebook Comments