Ikakasa simula ngayong araw ng ilang grupo ng mga driver at operator ang truck holiday.
Ito ay bilang pagtutol sa plano ng pamahalaan na palitan ng mas bagong sasakyan ang mga lumang truck.
Ayon kay Mary Zapanta, presidente ng Aduana Business Club – panahon na para ipakita sa kinauukulang ahensya ang hirap na dinaranas ng kanilang hanay sa operasyon ng mga shipping line sa port area.
Nanawagan sila sa gobyerno na pakialaman na ang port operations lalo na sa shipping lines hinggil paghahawak ng mga walang lamang container.
Posibleng magsimula ang truck holiday pagkatapos ng oras ng truck ban.
Tatagal ang truck holiday hangga’t walang mailalatag na solusyon sa kanilang problema.
Pangamba naman ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association – tiyak na magkakaproblema sa supply kapag ipinagpatuloy ito.
Ayon kay Cua, maaring magresulta ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo at papalapit na ang holiday season.