UMAYUDA | Estados Unidos, nagbigay na rin ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong

Manila, Philippines — Nagpaabot na ng tulong ang Estados Unidos sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ompong sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa official statement na inilabas United States Embassy, nagpapatuloy ang relief work ng US government sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID).

Sa pamamagitan ng kanilang pakikipag-tulungan sa mga non-governmental organization ay nakapamahagi sila ng mahahalagang hygiene supplies sa 5,500 indibidwal sa Cagayan Province.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Estados Unidos sa pamamagitan ni US Ambassador Sung Kim sa pamilya ng mga nasawi sa bagyong Ompong.

Tiniyak rin ni Kim na nakahanda pa silang magbigay ng tulong kung kakailanganin pa.

Isa na rito ang may 1,000 metric tons ng pagkain na ibinabyahe na patungo sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa pamamgitan ng United Nations World Food Programme at DSWD.

Facebook Comments