Manila, Philippines – Magkakabisa na simula bukas Oktubre 5 ang 21 pesos umento sa minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Dahil dito, tinukoy ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region na ang minimum wage earner para sa Non-Agriculture workers ay tatanggap na ng 512 mula sa dating 491 pesos bilang kanilang arawang sahod.
Ang mga manggagawa naman sa Agrikultura, retail at service establishment na may hindi bababa sa 15 na empleyado at ang mga nasa manufacturing establishment na may hindi bababa sa 10 ang mga manggagawa ay tatanggap na ng bagong minimum wage rate na 475 pesos.
Hindi naman sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay at mga manggagawa sa Barangay Micro Business Enterprises na may Certificate of Authority.
Pinapayagan din na hindi tumalima sa bagong wage order ang mga establishmentong nagkakaproblema at ang mga naapektuhan ng kalamidad, likha man ng kalikasan o kagadawan mg tao.
Ang wage order No. NCR-21 ay magkakabisa 15 araw makaraan itong malathala sa isang pahayagan na may National Circulation noong Setember 20 taong kasalukuyan.