Babae tumalon mula sa 5th floor ng SM Mega Mall, patay – PNP

5258

Manila, Philippines – Idineklarang dead on arrival sa Pasig Medical City ang isang babae matapos na tumalon mula sa ika limang palapag ng Building B ng SM Mega Mall kaninang alas-3:15 ng hapon.

Ayon kay Eastern Police District Chief Superintendent Romulo Sapitula, isang hindi pa nakikilalang babae na nakasuot ng itim na blouse at maong pants ang nagpakamatay makaraang tumalon mula sa ika-limang palapag ng Building B ng SM Mega Mall at lumagapak sa basement ng mall.

Agad itong isinugod sa ospital pero dineklarang patay ni Dr. Elmerie Pineda eksaktong alas-3:31 ng hapon.

Walang makitang anumang dokumento mula biktima ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Facebook Comments