UMENTO SA SAHOD | Hirit na taas sweldo, dapat pag-aralang mabuti

Manila, Philippines – Para kina Senators JV Ejercito at Grace Poe, makabubuting pag-aralang mabuti ang hirit ng sektor ng mga manggagawa na umento sa sahod sa harap ng patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin.

Paliwanag ni Senator Ejercito, dapat maging balanse ang dagdag sweldo para hindi naman umaray ang mga negosyo o mga kompanyang nagpapasweldo sa mga mangagawa.

Suportado naman ni Senator Poe na magkaroon ng makatarungang sweldo lalo na kung walang magawa ang gobyerno sa patuloy na pagtaas ng inflation rate.


Pero ayon kay Poe, mainam na hintayin ang pag-aaral na isinasagawa ng wage boards.

Ikinatwiran pa ni Poe na maging ang mga negosyante ay tinatamaan din naman ng tumaas na presyo ng bilihin sa bansa.

Facebook Comments