Kinumpirma ng palasyo na nagsimula ng ipatupad sa labing-apat na rehiyon ang umento sa sahod ng mga minimum wage earners sa mga pribadong sektor ngayong Hunyo 2022.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Office of the Press Secretary, nagpatupad na ng wage adjustment ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative region (CAR), Regions 1,2,3, 4A at 4B, Region 5 hanggang 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Maliban dito, sinimulan na rin ng DOLE ang pagpapatupad ng dagdag sahod para sa mga kasambahay sa NCR, CAR, Regions 1,2,3 4A, 4B at Region 5.
Nasa P500 hanggang P1,500 ang umento sa sahod ng mga kasambahay sa naturang mga rehiyon.
Facebook Comments