Average daily cases ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo, bumaba ng 15% ayon sa OCTA

Bumaba sa halos 3,000 ang average na arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.

Batay sa pinakahuling datos ng OCTA Research Group, nasa 2,959 ang naitalang average daily cases sa nakalipas na pitong araw, kung saan mas mababa ito ng 15 % sa 3,487 na kaso noong nakaraang linggo.

Bukod dito, bumaba rin sa 0.91 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan noong Agosto 24, mula sa 0.96 noong August 17, habang sumadsad naman sa 14% ang positivity rate noong Agosto 26, mula sa dating 16.2%


Ayon sa OCTA, kung mapapanatili ng bansa ang ganitong bilang ay posibleng bumaba sa 1,000 hanggang 500 ang maitatalang kaso sa kalagitnaan hanggang katapusan ng buwan ng Setyembre.

Facebook Comments