Umento sa sahod ng mga guro at empleyado, tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ibibigay ang umento sa sahod sa mga teaching at non-teaching employees na nakamandato sa ilalim ng batas para sa fiscal year 2021.

Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annaly Sevilla, hinihintay na lamang nila ang official instruction mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Dahil nakabinbin ang issuance ang DBM para sa salary increase para sa taong ito, sinabi ni Sevilla na ang payroll para sa Enero ay mananatili sa kasalukuyang salary rate.


Ang Notice of Salary Adjustment para sa bagong salary rate ay ipo-proseso at ii-isyu sa bawat regular na empleyado ng DepEd kapag natanggap na nila ang official instruction mula sa DBM.

Facebook Comments