Umiiral na martial law sa Mindanao nais ng alisin ng DND

Kung ang Department of National Defense (DND) ang tatanungin gusto na nilang alisin ang umiiral na martial law sa Mindanao sa lalong madaling panahon

Ginawa ng DND ang pahayag matapos ang  kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa Davao City at iba pang lugar sa Mindanao na mapayapa na.

Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, pinahahalagahan nila ang wisdom at knowledge ng mga local chief executives sa Mindanao na nais nang i-lift ang martial law sa Mindanao.


Pero kailangan pa aniyang makumpleto ang ginagawang assessment at validation ng mga Local Government Units (LGUs) at security sector bago irerekomenda ng AFP sa Pangulo ang pag-lift ng martial law sa buong Mindanao.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Korte Suprema nitong Pebrero na irerekomenda niyang tanggalin na ang deklerasyon ng batas militar sa Mindanao sa Hulyo a uno kung maamyendahan ang Human Security Act pero hindi naman ito naamyendahan.

Matatandaang idineklara ng Pangulo ang martial law sa Mindanao noong taong 2017 dahil sa nangyaring Marawi siege.

Ilang beses rin napalawig ang martial law sa Mindanao dahil sa presenya at banta pa rin ng mga Maute-ISIS terrorist group.

Facebook Comments