Muli na namang pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mga residente sa bayan ukol sa mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na safety protocols.
Bunsod pa rin ito ng nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan at nakapagtala ng anim na active cases.
Hinihikayat ang mga residente na makipagtulungan na malabanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa safety protocols na paghugas ng kamay at pagsuot ng nararapat ng face mask upang maiwasan ang pagkakahawa.
Gayundin ang pag-avail ng booster shots na ng COVID-19 vaccines na may layong mas mapabilis ang pag-abot sa target population ng Municipal Health Office (MHO) sa Mangaldan.
Samantala, maaari nang makapagpabakuna ang sinuman na 18-taong gulang pataas, buntis o nagpapasuso ng ikalawang booster. |ifmnews
Facebook Comments