UMIIWAS | DepEd, iginiit na umiiwas lang na masisi ang mga lokal na pamahalaan kaya ibinabalik sa kanila ang pagsususpinde ng klase

Manila, Philippines – Umiiwas lang na masisi ang mga lokal na pamahalaan kaya nais nilang ibalik sa Department of Education o DepEd ang pagsususpendi ng klase tuwing may kalamidad.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, malabong tanggapin nilang muli ang responsibilidad na ito dahil mas alam ng mga LGU ang sitwayson sa kanilang lugar tuwing masama ang panahon.

Giit ng kalihim, tungkulin ng mga LGU na gumawa ng aksyon at tumugo sa tawag ng pangangailangan na makapagsuspendi ng klase sa kanilang lugar.


Dati aniya ang DepEd ang responsable rito pero dumadaan pa ito sa ibat ibang mga school superintendent kaya natatagalan bago maibaba ang suspension order.

Facebook Comments