ITINANGGI | Labor Usec. Paras, itinangging may kinalaman siya sa mga alegasyon laban kay Labor Sec. Bello

Manila, Philippines – Itinanggi ni Labor Undersecretary Jacinto Paras na may kaugnayan siya sa mga alegasyon laban kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Paras, wala rin siyang kaalam-alam hinggil sa naturang reklamo laban kay Bello.

Nilinaw rin ni Paras na walang nabuong sigalot sa pagitan nila ng kalihim nang ipinag-utos ni Bello na umalis siya sa isang press conference nitong Hulyo.


Giit ni Paras, maaring iniisip umano ni Bello na kasama siya sa mga naghain ng kaso dahil ang complainant na si Azizzah Salim ng Azizzah International Manpower Services, Inc ay humingi sa kanya ng tulong.

Facebook Comments