Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na niyang kausapin ang mga komunista group.
Kasabay nito, hinamon ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi na para dito makipaglaban.
Ayon kay Pangulong Duterte, imbes na nagpapakasarap sa The Netherlands, samahan niya dapat sa pakikipaglaban ang mga rebelde dito sa bansa.
Sa kabila ng pahayag ng Pangulo, umaasa pa rin si government chief negotiator na pansamantalang “setback” lamang ang pagkansela ni Pangulong Duterte sa peace talks sa CPP-NPA.
Facebook Comments