Umuwing OFW na nakitaan daw ng COVID-19 symptoms, ‘tumakas’ sa pagamutan

GLAN, SARANGANI – Tumakas daw sa pagamutan ang isang Pinay OFW na nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Provincial Health Office, dumating ito sa Pilipinas noong Pebrero 29 at agad na dumiretso sa nasabing probinsiya, kasama ang 10-taong-gulang na supling.

Makalipas daw ang ilang araw, nagtungo sa ospital ang mag-ina dahil sumama ang pakiramdam.

Pero bigla raw umalis ang babae at iniwan pa ang paslit kahit hindi pa nasusuri ng mga espesyalista.

Hinala ng kinauukulan, maaring bumalik na ito sa Japan matapos ang insidente.

Nakipag-ugnayan na raw ang Provincial Health Office sa Bureau of Quarantine para maisama sa watchlist ang ‘umeskapong’ OFW.

Samantala, patuloy na inoobserbahan ang musmos na kinakitaan na rin ng sintomas.

Facebook Comments