MANILA – Tinawag na “murder” ng United Nations High Commissioner for Human Rights ang mga pagpatay umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa siya ng Davao.Dahil ditto, hinimok ni Commissioner Zeid Ra’ad Al Hussein ang mga otoridad sa Pilipinas na imbestigahan ang pangulo.Ginawang basehan ni Al Hussein ang mga pahayag ng pangulo noong isang linggo.Matatandaan sa talumpati ng pangulo sa Malakanyang noong Lunes (Dec. 12) – sinabi nitong nag-iikot siya sa Davao noong mayor pa siya – sakay ng motorsiklo para makapatay.Inulit rin ito ng pangulo sa harap ng Filipino Community sa Cambodia.Sa ngayon, wala pang bagong pahayag tungkol dito ang Malakanyang – pero dati nang nilinaw ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na walang direktang sinabi ang pangulo na pumatay siya.Pero sa pahayag ng pangulo noong Biyernes sa Singapore – sinabi niya na ang kanyang tinutukoy na napatay ay ang tatlong suspek sa Davao City hostage crisis noong 1988 dahil nakipagbarilan ang mga ito.
Un High Commissioner For Human Rights – Tinawag Na “Murder” Ang Mga Umano’Y Pagpatay Ng Pangulong Duterte
Facebook Comments