Manila, Philippines – Idineklarang Persona Non Grata ng Volunteers Against Crime and Corruption si UN rapporteur Agnes Callamard dahil sa kanyang pahayag na hindi nakasisira ng utak ang ilegal na droga.
Ayon kay Dante Jimenez, founding Chairman ng VACC, nakababahala ang naging pahayag na ito ni Callamard dahil tila kinukonsinti nito ang mga kabataan na gumamit ng ilegal na droga.
Sinabi ni Jimenez, walang medical explanation na inilatag ang UN rapporteur kung kayat hindi dapat agad paniwalaan.
Hindi rin aniya medical doctor si Callamard kung kayat walang basehan ang kanyang sinabing hindi nakasisira ng utak ng tao ang paggamit ng illegal drugs.
Matatandaan na noong Lunes, isang manifesto naman ang isinumite ng grupong Liga Independencia Pilipinas at Philippine on Council Affairs sa UN Human Rights Office sa Makati City para hingiin ang pagiging Persona Non Grata ni Callamard dahil sa pagiging bias umano nito sa imbestigasyon ng kampanya ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.
DZXL558