UN Special Rapporteur Irene Khan, dumating na sa bansa

Pasado alas-12:00 kanina dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 si United Nations Special Rapporteur (UNSR) on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan.

Si Khan ay dumating sa bansa sakay ng Malaysian Airlines mula Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang naturang Special Rapporteur (UNSR) ay nakatakdang makipagpulong sa National Privacy Commission (NPC).


Kabilang sa kanilang tatalakayin ang hinggil sa right to privacy at freedom of opinion gayundin ang expression bilang aspeto ng democracy.

Si Khan ang ikatlong UN Special Rapporteur na bumisita sa Pilipinas sa nakalipas na 14 na buwan.

Facebook Comments