Nakipagpulong kanina sa key officials ng National Commission on Indigenous People (NCIP) si UN Special Rapporteur Irene Khan.
Ayon kay NCIP Chairperson Jennifer Pia-Sibug-Las, sumentro ang napag-usapan nila kay Khan sa mga isyu ng karapatan sa kalayaan at karapatan sa pagpapahayag at opinyon ng mga katutubo.
Ayon pa kay Sibug-las, natanong din ni Khan ang tungkol sa isyu ng human rights, kung saan sinabi ng NCIP na isa umano ito sa kanilang challenges o hamon.
Nagpahayag ang UN Rapporteur na dapat ay mas maging bukas ang NCIP sa pagkilala sa mga pagpapahayag ng mga katutubo at iba pang stakeholders patungkol sa kanilang kalagayan at karapatang pantao.
Ani Khan, mahalaga ang isang open at inclusive na diyalogo sa mga Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples para sa mas makabuluhang Free and Prior, informed consent.
Inirekomenda ni Khan ang isang international cooperation at paggamit ng mass media platforms sa pagpoprotekta ng IP rights.