Tatlong barko ng Pilipinas, tumulak patungong Benham Rise

82

Manila, Philippines – Tumulak na patungong Benham Rise ang tatlong barko ng iba’t ibang ahensya ng Pilipinas para sa ikatlong expedition sa Benham Rise.

Kasama sa expedition ang BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard (PCG),isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at isa pa na magmumula pa sa Aparri Cagayan.

Target ng panibagong expedition na maabot ang pinakamababaw nabahagi ng labing tatlong milyong ektarya ng Benham Rise.

Patuloy ang ginagawang pag-aaral ng mga eksperto mula sa BFAR at Department of Agriculture sa tubig, uri ng mga isda, corrals at iba pa para makatulong sa food sustainability ng Pilipinas.

Facebook Comments