MANILA – Opisyal nang inimbitahan ng Malakanyang ang United Nations (UN) Special Rapporteur na magpunta sa bansa.Ito’y para imbestigahan ang dumaraming na kaso ng umanoy Extra Judicial Killings dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at krimen.Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nagpadala na ng imbitasyon ang Malakanyang kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard at hinihintay nalang nito ang tugon.Hinihimok din nito si Callamard, na isama sa kanyang imbestigasyon ang mga pagpatay sa mga pulis sa operasyon para malaman ng UN ang lawak ng problema sa ilegal na droga sa Pilipinas.Isa si Callamard sa dalawang UN rapportuer na nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang mga kaso ng Extra Judicial Killings.
Un Special Rapporteur, Opisyal Ng Inimbitahan Ng Malakanyang Para Imbestigahan Ang Mga Kaso Ng Extra Judicial Killing Sa
Facebook Comments