UNA KA DITO CARAVAN, AARANGKADA SA DISTRICT 2

CAUAYAN CITY – Muling aarangkada at magpapatuloy sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.

Gaganapin ito sa Sabado, ika-23 ng Nobyembre sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Community Center ng Bgry. District 2.

Ilan sa mga serbisyong ipapaabot ay ang libreng medical at dental check-up, gamot, legal services, scholarship assistance, social welfare assistance, at marami pang iba.


Ayon sa LGU Cauayan, upang makakuha ng mga nabaggit na serbisyo, kinakailangan lamang na dalhin ang kaukulang mga ID at dokumento katulad ng cedula, barangay clearance, Barangay indigency form, at iba pa.

Facebook Comments