Unang 3 araw nang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila, naging maayos

Walang naitalang untoward incident sa unang 3 araw ng implementasyon ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Pahayag ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, kasunod nang pagdagsa ng mga tao sa ilang mga pampublikong lugar nitong weekend, kabilang na ang Marikina River Park, Mall of Asia Grounds at ang tinaguriang Dolomite Beach sa Manila Bay.

Sa Laging Handa public press briefing, muli nitong ipinaalala na bagamat bumaba ang Alert Level ng NCR, mayroon pa ring mga panuntuan na dapat na sundin.


Kabilang na ang minimum health standard, social distancing at ang itinakdang kapasidad na pinapayagan para sa mga pupuntahang lugar o establisyemento.

Ayon sa opisyal, mainam kung paiiralin ng lahat ang pagmamahal sa bansa at pagiging disiplinado, lalo’t nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments