UNANG ARAW | Banal na buwan ng Ramadan, pormal nang nagsimula

43

Manila, Philippines – Pormal nang nagsimula na ang banal na buwan ng mga Muslim, ang Ramadan.

Ang Ramadan ay ika-siyam na buwan ng Muslim year at kabilang sa limang pundasyon ng Islam.

Idinedeklara ang Ramadan sa pamamagitan ng moon-sighting.

Tradisyon tuwing Ramadan ay ang istriktong pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang takipsilim.

Nagpaabot naman ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim at umaasang mas lalo pang lumalim ang kanilang ‘spritual cleansing and growth’.

Facebook Comments