AALISIN | Total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, inalis na ni Pangulong Duterte

30

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang total deployment ban ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.

Ginawa ng Pangulo ang desiyon matapos mapirmahan ang kasunduang magbibigay ng proteksyon sa mga OFW sa Gulf State.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan na ng Pangulo si Labor Secretary Silvestre Bello III ang i-lift ang ban.

Bukod sa skilled at semi-skilled workers, ang mga domestic workers ay papayagan na ring magtrabaho sa Kuwait.

Facebook Comments