Unang araw ng “Bayanihan Bakunahan”, generally peaceful ayon sa PNP

Walang naitalang untorward incident ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng National Vaccination Drive o “Bayanihan, Bakunahan”.

Sa ulat ng PNP Monitoring Center as of 6 P.M. kahapon, halos 1.2 milyon ang nabakunahan sa 4,540 vaccination sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinakamarami ang nabakunahan sa Area of Responsibility ng PRO 5 na umabot sa mahigit 86 na libo batay sa mga ulat na nanggaling sa 435 vaccination sites; habang sa sakop ng National Capital Region Police Office ay mahigit 62,000 ang nabakunahan sa 233 vaccination sites.


Naka-deploy naman sa mga vaccination sites sa iba’t ibang panig ng bansa ang kabuuang 15,420 pulis para magbigay ng seguridad at masiguro na nasusunod ang mga health protocol.

Maliban sa security personnel, nag-deploy rin ang PNP ng 2,365 nilang tauhan para magsilbi bilang data encoders at technical support habang 3,640 tauhan ng kanilang medical reserve force ang ide-deploy ng mga PRO para tumulong sa vaccination drive sa kani-kanilang nasasakupan.

9 na kampo naman ng PNP ang pinagamit bilang vaccination site kung saan dalawa ay sa PRO 3; at tig isa sa NCRPO, PRO4A, PRO4B, PRO5, PRO10, PROBAR, at PROCOR.

Facebook Comments