“GENERALLY PEACEFUL” ito ang inihayag ng COMELEC at PNP Pangasinan sa unang araw ng kampanya kaugnay pa rin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay COMELEC Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas na naging mapayapa ang unang araw ng kampanya kung saan sinabi nito na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na kahit anong mga tawag, reklamo o anumang untoward incidents na may kaugnayan sa halalan ngayong panahon ng kampanya.
Dagdag pa nito, na sa mga susunod na araw ng kampanya ay hindi malabong magkaroon ng tensyon kung sakaling magkasalubong ang mga kandidato sa kanilang lugar at magkaroon ng kantyawan. Aniya pa na hindi maiiwasan na sa liit ng isang lugar minsan ay nagkakasalubong sila.
Kaya’t panawagan nito sa mga supporter’s ng kandidato na sana ay iwasan ang kantyawan para maiwasan ang tensyon sa pangangampanya.
Ayon naman kay Pangasinan PPO Public Information Officer PCapt. Renan Dela Cruz, payapa rin ang kanilang naging assessment sa unang araw ng kampanya sa lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, patuloy namang nakaantabay ang mga kapulisan sa lalawigan partikular na sa mga pulis na nakatalaga sa checkpoints upang mapangalagaan ang isang komunidad. |ifmnews
Facebook Comments