Unang araw ng cash for work sa Navotas, dinagsa ng mga residente

Dinumog ng mga residente ng Navotas City ang unang araw ng aplikasyon para sa iniaalok na 1,000 Cash for Work Program ng lungsod.

Humihingi ng pangunawa ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa mga residente na 200 aplikante ng Cash for Work Program lamang kada araw ang kanilang tatanggapin mula sa iba’t ibang barangay.

Ito ay para na rin sa pagiingat ng Local Government Unit (LGU) sa pagkalat ng sakit na COVID-19.


Ayon kay Mayor Toby Tiangco, magkakaroon ng pantay na oportunidad ang mga residente para makapag-apply sa Cash for Work Program kung saan hinati-hati ang 1,000 available slots batay sa populasyon ng bawat barangay.

‘First come-first serve’ basis naman ang mga tatanggapin para sa Cash for Work Program.

Kabilang sa mga trabahong ibibigay ay barangay clean-up activities, urban gardening tree planting at iba pa.

Facebook Comments