*Cauayan City, Isabela- *Kalmado ang unang araw ng filing of Certificate of Candidacy o COC ng mga tatakbong kandidato dito sa Lungsod ng Cauayan para sa May 13, 2019 eleksyon.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cauayan City Commission on Elections (COMELEC) Officer Efigenia Marquez, marami na umano ang mga kumuha ng COC’s subalit hindi pa umano alam ng tanggapan ng COMELEC kung kailan magfa-file ang mga tatakbong kandidato.
Mayroon na rin umanong pagbabago sa COC Form ngayon kumpara noong nakaraang taong dahil may mga naidagdag umano na mga statement at tanong sa mga COC Forms na kailangang sagutin ng mga kakandidato.
Ayon pa kay Marquez, Back to back na rin umano ang mga COC forms ngayon kung saan ay ngayon lamang umano ito mangyayari.
Paalala naman ni Marquez sa lahat ng mga tatakbong kandidato na magsusumite ng COC’s na huwag kakalimutang dalhin ang mga pangunahing requirements na kinakailangan ng COMELEC para sa pag-fa file ng Certificate Of Candidacy.
Dagdag pa ni Marquez na mula ngayong araw hanggang sa Oktubre disi syete na lamang ang deadline ng Filing of Candidacy.