Unang araw ng pagdinig para sa panukalang ₱5.768 trillion 2024 national budget, umarangkada na sa Senado

Sinimulan na ngayong araw ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagbusisi sa P5.768 trillion na National Expenditure Program (NEP) o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Pinangunahan ang budget briefing ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara kung saan unang sumalang ang mga kinatawan at opisyal ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng mga economic managers ng pamahalaan.

Ang panukalang P5.768 trillion na pambansang pondo sa 2024 ay mas mataas ng 9.5 percent kumpara sa P5.268 trillion na 2023 national budget.


Nakatutok ang pambansang pondo sa susunod na taon sa pagsusulong ng social at economic transformation sa pamamagitan ng infrastructure development, food security, digital transformation at human capital development.

Kabilang naman sa pagtutuunang pansin ng mga senador ang paghimay ng husto sa mahigit P10 billion na confidential and intelligence funds ng ilang mga ahensya ng gobyerno kabilang ang Office of the President, Office of the Vice President at Department of Education.

Facebook Comments