Unang araw ng pagpapatupad ng full face-to-face classes sa bansa, naging maayos – DepEd

Photo Courtesy: PTV4

Naging maayos ang unang araw ng full implementation ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pa silang natanggap na ulat ng mga aberya mula sa mga DepEd Regional Director.

Sa National Capital Region (NCR), nasa 94% na paaralan ang nagpatupad ng limang araw na in-person classes o katumbas ng 827 na pampublikong paaralan.


Sa ngayon ay naghihintay pa ng pinal na ulat ang DepEd kung ilang mga paaralan ang nagbalik na sa limang araw na face-to-face classes.

Facebook Comments