Mga iligal na droga, pera at marami pang kontrabando, nasabat sa Bilibid

7,512 na can o lata ng beer ang nasabat sa mga bilanggo sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ang naturang mga beer in can ay isinuko ng mga preso sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay BuCor OIC Gregorio Catapang Jr., ang bawat beer in can ay ibenebenta sa loob ng ₱1,000 kada lata.


Bukod sa mga beer, nasabat din sa inmates ang mga hinihinalang iligal na droga, mga pera, cellphones, laptops, mga matatalim na bagay, at iba pang kontrabando.

Facebook Comments