Unang araw ng pangulo sa pagdalo sa ASEAN Summit sa Cambodia, naging produktibo aniya; dalawang bilateral meetings, dinaluhan ng presidente

Produktibo ang unang araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Phnom Pehn, Cambodia.

 

Ito ang sinabi mismo ng pangulo matapos na magkaroon ang ilang akitbidad kasama ang ibang Association of South east Asian Nations (ASEAN) leaders kaugnay sa ginagaganap na ASEAN summits at bilateral meetings sa Phnom Pehn, Cambodia.

 

Sinabi ng pangulo na maagang nagsimula ang kaniyang roundtable business meeting kahapon sa mga negosyante sa Cambodia at hinikayat ang mga itong mag-invest sa Pilipinas.


 

Ilan aniya sa mga ito ay nagpakita ng interes sa Pilipinas para mag negosyo, habang ipinromote naman ng pangulo sa mga negosyante ang Cambodia.

 

Kaugnay nito, dalawang bilateral meetings ang naisagawa ng pangulo kahapon, una ay kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh kung saan kanilang tinalakay ay ang pagpapalakas ng usapin sa seguridad, kalakalan at maritime security.

 

Habang huling naka-bilateral meeting kahapon ng pangulo ay si Cambodian Prime Minister Hun Sen, kanilang tinalakay ay isyu sa security ng Myanmar at epekto ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

Dumalo rin ang pangulo sa ASEAN leaders interface kasama ang mga representative ng ASEAN youth at binanggit nito  na ipinagmalaki niya ang 24 years old na gobernardor sa Pilipinas sa katauhan ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu.

 

Ang Pangulo ay magtatagal sa Phnom Pehn, Cambodia hanggang sa Linggo, November 13 at aasahan na maliban sa sidelines nito sa ASEAN summit ay makikipagkita rin ito sa Filipino Community sa Cambodia.

 

Facebook Comments