Gilas Pilipinas, tinalo ang Jordan sa paghaharap sa 2023 FIBA WC Asian Qualifiers

Wagi ang Gilas Pilipinas kontra sa jordan sa kanilang paghaharap sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nagtapos ang laban sa score na 74-66 kung saan sa second half ng laro umarangkada ang magagandang play ng Gilas.

Umabot pa sa 13 ang kalamangan ng Gilas sa huling tatlong minuto ng laro.


Samantala, nanguna naman para sa Philippine national basketball team si Scottie Thompson na nakapagtala ng 8 points, 13 rebounds at 8 assists.

Sa ngayon, may apat na panalo at tatlong talo ang Gilas sa qualifiers.

Sunod nilang makakaharap ang koponan ng Saudi Arabia sa darating na Lunes.

Facebook Comments