Unang araw ng Simbang Gabi, generally peaceful -PNP

Payapa ang unang araw ng Simbang Gabi sa buong bansa.

Ito ang security assessment ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos ang monitoring na ginawa sa pagsisimula ng tradisyunal na siyam na araw na Simbang Gabi ng mga katoliko.

Inaasahan naman ni PNP Chief General Debold Sinas na matatapos ang siyam na araw na Simbang Gabi na mapayapa.


Sinabi ni Sinas na mismong ang pamunuan ng mga simbahan at Local Government Units (LGUs) ay nagpapatupad ng mga health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at 30% lang ng mga church goers ang pinayagan sa loob ng simbahan.

Una nang nakipagpulong si PNP Chief sa pamunuan ng simbahan ng Quiapo at Baclaran at napag-usapan ang kooperasyon ng simbahan at ng PNP para sa seguridad ng mga dadalo sa Simbang Gabi.

Lahat aniya ng mga unit commanders ay inatasan na maging mapagmatyag ngayong panahon ng kapaskuhan.

Facebook Comments