Mga kawani sa Kamara at kanilang mga pamilya, media, isasama sa mababakunahan ng COVID-19

Isasama ng Kamara sa mababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga pamilya ng mga kawani ng Mababang Kapulungan pati ang mga media na nakatalaga sa Batasan Complex.

Inanunsyo ni House Speaker Lord Allan Velasco ang plano sa gitna ng pulong balitaan sa Kamara.

Ayon kay Velasco, maglalaan ang Mababang Kapulungan ng pondo pambili ng COVID-19 vaccine na kukunin mula sa taunang budget ng Kamara.


Uunahin sa mababakunahan ang mga House employees at isasama na rin ang lima sa myembro ng kanilang pamilya.

Paliwanag ni Velasco, layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at para maipagpatuloy ang normalcy sa pagtugon ng Kamara sa kanilang legislative mandate.

Plano ring isama sa mababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga miyembro ng House media.

Samantala, anuman aniya ang matitira sa COVID-19 vaccine ay ito naman ang ilalaan para sa mga kongresista at lima sa kanilang immediate family members.

Facebook Comments