Unang araw ng Simbang Gabi sa NCR payapa ayon sa PNP

Walang naitalang untoward incidents ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa unang araw ng Simbang Gabi na nagsimula kaninang madaling araw.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson, mahigpit ang utos ni NCRPO Chief MGen. Vicente Danao Jr., sa mga district directors na siguruhing my sapat na seguridad sa mga simbahan sa kani-kanilang mga areas of responsibility.

Sinabi ni Tecson na batay sa kanilang monitoring, nasa mahigit 61,000 ang dumalo sa 313 simbahan sa buong NCR.


Halos tatlong libong pulis naman ang pinakalat ng NCRPO katuwang ang mahigit 11,000 force multipliers, para mapanatili ang kaayusan at seguridad at maipatupad ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Nakikiusap naman ang pamunuan ng NCRPO sa publiko na sumunod sa pinapairal na health protocols at huwag magpakakampante dahil may banta pa rin ng COVID-19.

Facebook Comments