Unang araw ng voter’s registration sa bansa, naging maayos at mabilis ayon sa COMELEC

Naging maayos at mabilis ang naging proseso ng unang araw ng pagpapatuloy ng voter’s registration sa bansa.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, nakatulong sa mabilis na proseso ng voter registration ang pagbabawas ng mga kopya ng application form na isusumite, sa isang kopya mula tlsa dating tatlo.

Sa katunayan nga aniya, may mga nagparehistro pa sa Valenzuala City na sampung minuto lamang ang itinagal ng proseso.


Ani Laudiangco, nagpagaan sa proseso ang pagkakaroon ng form na mada-download online at maaaring fill-upan bago pumunta sa registration site.

Mas madali na ring puntahan ang venue ng pagpapatala dahil nagkaroon ng pilot test ang COMELEC para sa Register Anywhere Project sa limang piling malls sa Metro Manila.

Kasabay nito, isasagawa rin ang pilot test sa Robinsons Mall Naga City, Robinsons Mall Tacloban, at SM City Legazpi.

Ang mga karagdagang site ay makikita rin sa Senado, Kapulungan ng mga Kinatawan, at sa pangunahing tanggapan ng Government Service Insurance System.

Inaasahan ng COMELEC ang minimum na dalawang milyong karagdagang botante sa muling pagpapatuloy ng voter’s registration.

Magtatagal ang voter’s registration hanggang Enero 31, 2023 bilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Facebook Comments