Unang araw sa pagpapatupad ng motorcyle backriding policy, naging maayos ayon sa JTF COVID Shield

Naging maayos ang unang araw nang pagpapatupad ng motorcyle backriding policy.

Ito ang assesment ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield matapos aprubahan na ng gobyerno ang pag-aangkas sa motorisklo sa harap pa rin ng pagpapatupad ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, wala silang natanggap na anumang major untoward incident sa unang araw ng implementasyon ng motorcyle backriding policy.


Aniya, ang maraming reports na kanyang nakuha ngayon araw ay ang pagpupumilit ng mga nakamotorsiklo na dumaan sa quarantine control points nang hindi nag-oobserba ng minimum health at safety protocol.

Panawagan naman ni Eleazar sa mga nagmomotorsiklo, sumunod sa mga ipinatutupad na polisiya dahil ito ay para na rin makaiwas sa pagkahawa ng COVID -19.

Facebook Comments