Manila, Philippines – Inihayag ni Manila Police District (MPD) Spokesman Superintendent Erwin Margarejo na sa unang araw ng kampanya ng Barangay at Sanguniang Kabataan election ay mayroon na silang na momonitor na nagdidikit ng mga campaign parapernalla sa kani kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Margarejo tahimik pa naman sa Maynila bagamat mayroon silang apat na Barangay na isinailalim sa Watchlist kabilang ang Barangay 386, 648, 649 at 650 na titutukan ng MPD dahil sa madalas mayroong related election incidents.
Samantala nagbabala naman si Margarejo sa mga pulis na masasangkot sa Partisant Politics na posibleng mahaharap ang mga ito sa Electioneering at kasong Administratibo.
Umapila ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa pulisya kung mayroon silang nalalaman na mga pulis na nakiki-sawsaw sa Barangay at SK election upang agad nila magawan ng kaukulang aksyon.