Dumating na sa bansa ang 739, 200 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccine na donasyon ng China sa Pilipinas.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, dakong alas-5:55 kahapon ay lumapag sa NAIA terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines lulan ang mga bakuna.
Personal itong sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Chinese Ambassador Huang Xilian at iba pang miyembro ng gabinete.
Nagpasalamat naman si Duterte sa China dahil sa donasyong bakuna.
Ngayong araw ay inaasahang darating ang ikalawang batch Sinopharm vaccines na kukumpleto sa kabuuang 1 milyong doses na ipinangako ng China.
Facebook Comments